Noon ding araw na iyon, si Hesus ay
lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng makapal na
tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman
ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga
talinghaga.
“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang
paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at
tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis
lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa
matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat.
May
binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon.
Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may
tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay
makinig!”
No comments:
Post a Comment