Mabuting Balita: Mateo 12:14-21
Noong panahong iyon, umalis ang mga
Pariseo at nag-usap-usap kung paano ipapapatay si Jesus. Alam ito ni Jesus
kaya't umalis siya roon. Maraming sumunod sa kanya at pinagaling niya ang lahat
ng maysakit, ngunit mahigpit nilang ipinagbilin sa kanila na huwag ipamamalita
ang tungkol sa kanya.
Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias:
"Narito ang lingkod ko na ako rin ang humirang, minamahal ko nang labis,
lubos kong kinalulugdan; ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay, sa lahat
ng mga bansa ibabadha'y katarungan.
Hindi siya makikipagtalo, mahinahon kung mangusap, ang tinig niya sa lansanga'y tinig lamang na paanas; Hindi niya puputulin yaong tambong nakahapay, ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan, hanggang itong katarunga'y mapagtagumpay niyang ganap; At ang pag-asa ng tao sa kanya ay ilalagak."
No comments:
Post a Comment