Noong panahong iyon, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang
ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi't tumalikod
sa kanilang mga kasalanan. "Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka Betsaida!
Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo,
malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang
ipakilalang sila'y nagsisisi.
Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong maging mataas kaysa langit? Ibabagsak ka sa Hades!
Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana'y nananatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma."
No comments:
Post a Comment