Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at
magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo,
huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin.
Pagdating ng oras, ito'y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang
magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan
ninyo.
"Ipagkakanulo
ng kanyang kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng
ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at
ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat
hanggang wakas ang siyang maliligtas. Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan,
tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang
lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao."
No comments:
Post a Comment