Noong panahong iyon, dumating si
Jesus sa Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Sino
raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?" At sumagot sila, "Ang sabi po
ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may
nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta." "Kayo naman,
ano ang sabi ninyo? Sino ako?" tanong niya sa kanila.
Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng ibang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit sa kapangyarihan ng kamatayan.
Ibibigay
ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay
ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa
Langit."
No comments:
Post a Comment