Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang
asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan kaya’t
itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.
“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa Langit.”
2 comments:
Good evening di po ang gospel bukas ay Mateo 10, 7-13 ayon saguide
Good evening din tatlo ang guide ko at parehong Mateo 5:13-16 ang gospel bukas. God bless you.
Post a Comment