Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias
sana ang ipangangalan sa kanya -- gaya ng kanyang ama -- ngunit sinabi ng
kanyang ina, "Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya." "Subalit
wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan," wika
nila.
Kaya't hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang
ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng
ganito: "Juan ang kanyang Pangalan." At namangha silang lahat.
Pagdaka'y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos.
Natakot ang kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: "Magiging ano nga kaya ang batang ito?" Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon. Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa Israel.
No comments:
Post a Comment