Noong panahong iyon, lumapit ang isa
sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, "Alin pong utos ang
pinakamahalaga?" Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos,
'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos -- siya lamang ang
Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong
kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.' Ito naman ang pangalawa,
'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.' Wala nang ibang utos na
hihigit pa sa mga ito."
"Tama
po, Guro!" wika ng eskriba. "Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos
at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong
pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya nang kanyang sarili ay
higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang
mga hain." Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya't sinabi
niya, "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." At
wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon.
No comments:
Post a Comment