Tuesday, June 18, 2024

Ang Mabuting Balita Biyernes Hunyo 21 San Luis Gonzaga, namamanata sa Diyos (Paggunita): Mateo 6:19-23


Mabuting Balita: Mateo 6:19-23
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Huwag kayong mag-impok ng kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang tanga at kalawang, at may nakapapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ang mga kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakapapasok na magnanakaw. 

Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso." "Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya't kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang iyong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya't kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!"

No comments: