Tuesday, May 07, 2024

Ang Mabuting Balita Miyerkules Mayo 8, Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 16:12-15


Mabuting Balita: Juan 16:12 – 15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ang buong katotohanan. 

Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo."

No comments: