Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?” Sumagot naman
sila, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos
bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Dahil sa
katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa pasimula
pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya silang lalaki at
babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila
ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi
isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”
Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”
No comments:
Post a Comment