Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad: "Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo
ako makikita; at pagkaraan ng kaunting panahon pa, ako'y inyong makikita
uli." Nag-usap-usap ang ilan sa mga alagad, "Ano kaya ang ibig niyang
sabihin? Bakit niya sinasabing kaunting panahon na lang at hindi na natin siya
makikita uli? Sabi pa niya'y 'Sapagkat ako'y paroroon sa Ama.' Ano kaya ang
ibig sabihin ng 'kaunting panahon na lamang'? Hindi natin
maunawaan!"
Naramdaman
ni Jesus na ibig nilang magtanong, kaya't sinabi niya, "Nagtatanungan kayo
tungkol sa sinabi kong kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako
makikita; at pagkaraan ng kaunting panahon, ako'y inyong makikita uli. Sinasabi
ko sa inyo: tatangis kayo at magdadalamhati, ngunit magagalak ang sanlibutan.
Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito'y magiging kagalakan.
No comments:
Post a Comment