Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: tatangis kayo at magdadalamhati,
ngunit magagalak ang sanlibutan. Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito'y
magiging kagalakan. Kapag nagdaramdam na ang isang babaing manganganak, siya'y
nahahapis, sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap.
Ngunit
pagkapanganak, hindi na niya naaalaala ang hirap; siya'y nagagalak dahil sa
ipinanganak na sa sanlibutan ang isang sanggol. Gayon din naman kayo: nalulumbay
kayo ngayon, ngunit muli akong makikipagkita sa inyo at mag-uumapaw sa puso
ninyo ang kagalakang hindi maaagaw ninuman.
"Hindi na kayo kailangang magtanong sa akin sa araw na iyon. " Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.
No comments:
Post a Comment