Noong panahong iyon, sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad: "Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad
nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama;
iibigin ko rin siya, at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya." Tinanong
siya ni Judas hindi ang Iscariote, "Panginoon, bakit po sa amin lamang
kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?"
Sumagot si Jesus, "Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking
mga salita; iibigin siya ng aking ama, at kami'y sasakanya at mananahan sa
kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Hindi
akin ang salitang narinig ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
"Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.
No comments:
Post a Comment