Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Hesus na nakatayo
roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon. Tinanong siya ni Hesus,
"Bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?" Akala ni Maria'y siya ang
tagapag-alaga ng halamanan, kaya't sinabi niya, "Ginoo, kung kayo po ang
kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin
ko."
"Maria!"
ani Hesus. Humarap siya at kanyang sinabi, "Raboni!"-- ibig sabihi'y
"Guro." "Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako
nakapupunta sa Ama," wika ni Jesus. Sa halip, pumunta ka sa aking mga
kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos
at inyong Diyos." Kaya't si Maria Magdalena'y pumunta sa mga alagad at
sinabi, "Nakita ko ang Panginoon!" At tuloy sinabi sa kanila ang
bilin ni Hesus.
No comments:
Post a Comment