Sinabi ni Jesus, "Dumating na ang oras upang parangalan ang Anak ng Tao. Tandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito'y mamumunga ng marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito.
Hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng ama ang sinumang naglilingkod sa amin." "Ngayon, ako'y nababagabag. Sasabihin ko ba, 'Ama, iligtas mo ako sa kahirapang daranasin ko? Hindi! Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako naparito -- upang danasin ang kahirapang ito.
Ama, parangalan mo ang iyong pangalan." Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, "Pinarangalan ko na ito, at muli kong pararangalan." Narinig ito ng mga taong naroroon at sabi nila, Kumulog!" Sabi naman ng iba, "Nagsalita sa kanya ang isang anghel!" sinabi ni Jesus, "Ipinarinig ang tinig na ito dahil sa inyo, hindi dahil sa akin.
"Panahon na upang hatulan ang sanlibutan. Itataboy ngayon sa labas ang pinuno ng sanlibutang ito. At kung ako'y maitaas na, ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao." Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano siya mamamatay.
No comments:
Post a Comment