May iba namang nais siyang subukin, kaya't nagsabi,
"Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.
Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi sa kanila,
"babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at
mawawasak ang mga bahay roon.
Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano
mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng demonyo
sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako'y
nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng
kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na magbigay na makagawa ng gayon?
Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon,
kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
"Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.
"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.
No comments:
Post a Comment