Noong panahong iyon, marami sa mga nakarinig kay Jesus ang nagsabi, "Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!" "Ito nga ang Mesias! sabi ng iba. Ngunit sumagot ang iba pa, "Maaari bang magmula sa Galilea ang Mesias? Hindi ba sinabi ng Kasulatan na magmumula ang Mesias sa lipi ni David, at sa Betlehem na bayan ni David ipanganganak?"
Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya. Ibig ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang nangahas humuli sa kanya.
Ang mga kawal na bantay sa templo ay nagbalik sa punong saserdote at sa mga Pariseo. "Bakit hindi ninyo sila dinala rito?" tanong nila sa mga bantay. Sumagot sila, "Wala pa pong nagsalita nang gaya niya!" "Kayo man ba'y nalinlang din?" tanong ng mga Pariseo. "Mayroon bang pinuno nang Pariseong naniniwala sa kanya? Wala! Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya -- mga sinumpa!"
Isa sa naroon ay si Nicodemo, na nagsadya kay Jesus noong una. Tinanong niya sila, "Labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao na di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa, hindi ba?" Sumagot sila, "Ikaw ba'y taga-Galilea rin? Magsaliksik ka't makikita mo na walang propetang magmumula sa Galilea."
At umuwi na ang bawat isa.
No comments:
Post a Comment