Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus
sa kanyang mga alagad: "Ang Anak ng Tao'y dapat magtiis ng maraming hirap.
Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga
eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling
mabubuhay." At sinabi niya sa lahat, "Kung ibig ninumang sumunod sa
akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang
krus at sumunod sa akin.
Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit niyon. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapapahamak?”
No comments:
Post a Comment