Noong panahong iyon, sina Hesus at
ang kanyang mga alagad ay tumawid ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay
isinadsad nila ang bangka. Paglunsad nila, nakilala agad sila ng mga tao.
Kaya't nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga may
sakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Jesus, saanman nila
mabalitaang naroon siya.
At saanman siya dumating maging sa nayon, lunsod, o kabukiran ay dinadala sa liwasan ang mga may sakit at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.
No comments:
Post a Comment