Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi
mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay,
hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayun din naman, kapag naghimagsik si
Satanas laban sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan,
hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas.
“Walang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas at makaaagaw
ng kanyang ari-arian, malibang gapusin muna niya ang taong iyon. Saka pa lamang
niya malolooban ang bahay na iyon.
“Tandaan
ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait
nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi
mapatatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.” Sinabi ito ni
Hesus sapagkat ang sabi ng ilan, “Inaalihan siya ng masamang Espiritu.”
No comments:
Post a Comment