Wednesday, January 10, 2024

Ang Mabuting Balita para Enero 14, Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon: Juan 1:35-42


Mabuting Balita: Juan 1:35-42
Noong panahong iyon, naroon uli si Juan at ang dalawa sa kanyang mga alagad. Nakita niya si Jesus na nagdaraan, at kanyang sinabi, "Ito ang Kordero ng Diyos!" Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, at sumunod sila kay Jesus. Lumingon si Jesus at nang makitang sumusunod sila ay kanyang tinanong, "Ano ang hinahanap ninyo?"  

Sumagot sila, "Saan po kayo nakatira, Rabi?" Ang kahulugan ng salitang ito'y Guro. "Halikayo at tingnan ninyo," ani Jesus. Sumama sila at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon ng araw na yaon. Noo'y mag-iikaapat na ng hapon. Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 

Una niyang hinanap ang kapatid niyang ito, at kanyang sinabi sa kanya, "Natagpuan namin ang Mesias!" Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo. At siya'y isinama ni Andres kay Jesus. Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, 'Ikaw si Simon na anak ni Juan. ang ipangangalan sa iyo'y Cefas." Ang katumbas ng pangalang ito'y Pedro. 

No comments: