Noong panahong iyon, muling pumasok
si Jesus sa sinagoga, at naratnan niya roon ang isang lalaking patay ang isang
kamay. Kaya't binantayan si Jesus ng ilang taong naroon upang tingnan kung
pagagalingin niya ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, para may
maiparatang sila sa kanya.
Tinawag ni Jesus ang lalaking patay ang kamay: "Halika rito
sa unahan!" Tinanong niya pagkatapos ang mga tao, "Alin ba ang ayon
sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga?
Magligtas ng buhay o pumatay?"Ngunit hindi sila sumagot.
Habang tinitingnan ni Jesus ang mga nasa paligid niya, galit at lungkot ang nabadha sa kanyang mukha, dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling. Umalis ang mga Pariseo at nakipagsabwatan sa mga kampon ni Herodes upang ipapatay si Jesus.
No comments:
Post a Comment