Tuesday, January 02, 2024

Ang Mabuting Balita Enero 5, Biyernes bago ang Pagpapakita ng Panginoon: Juan 1:43-51


Mabuting Balita: Juan 1:43-51
Kinabukasan, minabuti ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nakita niya si Felipe, at sinabi rito, "Sumunod ka sa akin." (Si Felipe'y taga-Betsaida, tulad nina Andres at Pedro.) Hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, "Natagpuan namin si Jesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayon din ng mga propeta."  

"May magmumula bang mabuti sa Nazaret?" tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, "Halika't tingnan mo." Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Jesus. "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos," "Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Natanael.  

Sinabi ni Jesus, "Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng bagay ng higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng anak ng Tao.!" 

No comments: