Sumagot sila, "Saan po kayo nakatira, Rabi?" Ang
kahulugan ng salitang ito'y Guro. "Halikayo at tingnan ninyo," ani
Jesus. Sumama sila at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon
ng araw na yaon. Noo'y mag-iikaapat na ng hapon. Ang isa sa dalawang nakarinig
kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
Una
niyang hinanap ang kapatid niyang ito, at kanyang sinabi sa kanya,
"Natagpuan namin ang Mesias!" Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo.
At siya'y isinama ni Andres kay Jesus. Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa
kanya, 'Ikaw si Simon na anak ni Juan. ang ipangangalan sa iyo'y Cefas."
Ang katumbas ng pangalang ito'y Pedro.
No comments:
Post a Comment