Noong panahong iyon, umahon si Hesus
sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na
tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at
bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
Ito ang labindalawang hinirang niya: Si Simon na tinagurian niya ng Pedro, Si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.
No comments:
Post a Comment