Noong panahong iyon, muling pumunta
si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea. Sinundan siya ng napakaraming tao, at
sila’y tinuruan niya. Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita niya si Levi na
anak ni Alfeo, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Hesus,
“Sumunod ka sa akin.” Tumindig naman si Levi at sumunod.
Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay kumakain sa bahay ni
Levi, nakisalo sa kanila ang maraming publikano at mga makasalanang sumunod sa
kanya. Nakita ito ng ilang eskribang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo at
tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit siya sumasalo sa mga publikano at
sa mga makasalanan?”
Narinig ito ni Hesus, at siya ay sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit, kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.”
No comments:
Post a Comment