Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t
binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay
sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang
pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan
mo.”
May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: “Bakit
nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t
Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Talos ni Hesus ang
kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin
ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, ‘Ipinatatawad na ang mga
kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan ay
lumakad ka’?
Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” Sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!” Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggigilalas at nagpuri sa Diyos. “Hindi pa kami nakakikita ng ganito!” sabi nila.
No comments:
Post a Comment