Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa
katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito
para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at
kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag.
Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”
No comments:
Post a Comment