Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesu-Cristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: "Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa inyo, ihahanda niya ang iyong daraanan.' Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang; 'Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!' "
At dumating nga sa ilang si Juan, nagbibinyag at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos." Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y bininyagan niya sa Ilog Jordan.
Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai'y balang at pulut-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, "Darating na kasunod ko ang isang Makapangyarihan kaysa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo."
No comments:
Post a Comment