May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala'y Simeon. Matapat at
malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay ng katubusan ng Israel.
Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay
hangga't hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon.
Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin
doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Jesus upang gawin ang hinihingi
ng Kautusan, siya'y kinalong ni Simeon. Ito'y nagpuri sa Diyos, na ang wika,
"Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin. Ayon sa iyong pangako,
yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na inihanda mo para
sa lahat ng bansa: liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at
magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel."
Namangha ang ama't ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito ay nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw."
No comments:
Post a Comment