Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya'y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipapangalan sa kanya -- gaya ng kanyang ama -- ngunit sinabi ng kanyang ina, "Hindi! Juan ang ipangangalan sa kanya." Subalit wala ni isa man sa inyong kamag-anak ang may ganyang pangalan," wika nila.
Kaya't hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: "Juan ang kanyang pangalan." At namangha silang lahat. Pagdaka'y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang kanilang kapitbahay, anupa't naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: "Magiging ano nga kaya ang batang ito?" Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.
No comments:
Post a Comment