Monday, December 18, 2023

Ang Mabuting Balita Disyembre 21, Huwebes sa Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon: Lucas 1:39-45


Mabuting Balita: Lucas 1:39-45
Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan.  

Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak niyang sinabi, "Bukod kang pinagpala sa babaing lahat, at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!"

No comments: