Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga
sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga
hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa
akin.
Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa
tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng
katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa
inyong mga kaaway.
Ipagkakanulo
kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At
ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit
hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin
ninyo ang buhay na walang hanggan.”
No comments:
Post a Comment