Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano
ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?” Sumagot siya, “Mag-ingat kayo
at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan
na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong
susunod sa kanila. Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan
at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating
karaka-raka ang wakas.”
At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa Langit.”
No comments:
Post a Comment