Monday, November 20, 2023

Ang Mabuting Balita Nobyembre 25, Sabado sa Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 20:27-40


Mabuting Balita: Lucas 20:27-40
Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Jesus. Ang Saduseo'y hindi naniniwala na bubuhayin ang mga patay. "Guro," anila, "naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: 'Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid ng lalaki'y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.' 

May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Nagpakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayon din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?" 

Sumagot si Jesus, "Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae'y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki't babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila'y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay.  

Maging si Moises si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang 'Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.'  

Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay -- sa kanya'y buhay ang lahat." Sinabi ng ilan sa mga eskriba, "Magaling ang sagot ninyo, Guro!" At wala nang nangahas magtanong sa kanya ng anuman.

No comments: