Noong panahong iyon, sa paglalakad ni
Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si
Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila’y naghahagis
ng lambat. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong
mamamalakaya ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at
sumunod kay Hesus.
Nagpatuloy
siya ng paglakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga
anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka, kasama ang kanilang ama, at naghahayuma ng
lambat. Tinawag din sila ni Hesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang
kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
No comments:
Post a Comment