Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at
paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka
abutan kayo ng Araw na iyon ng hindi handa.
Sapagkat
darating iyon ng di inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya't maging handa kayo
sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang
makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao."
No comments:
Post a Comment