Wednesday, October 11, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 15 Linggo, Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 22:1-14


Mabuting Balita: Mateo 22:1-14
Noong panahong iyon, muling nagsalita sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, "Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo.

t kanyang pinagbilinan, 'Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!' Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa'y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. 

Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari, Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, 'Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang inanyayahan. Kaya't pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.' Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasama't mabubuti, anupa't napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

"Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. 'Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?' tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya't sinabi ng hari sa mga katulong, 'Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.' Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.

No comments: