Nang nalalapit na ang panahong
iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya
ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria
upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga
Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem.
Nang
makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba
kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit
bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng
espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi
upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang
nayon.
No comments:
Post a Comment