Noong panahong iyon, pumunta si Hesus
sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at
ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya
ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo.
Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.” Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!”
Naupo ito at nagsalita; at siya’y
ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at sila’y nagpuri
sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng
Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang
balitang ito tungkol sa kanya.
No comments:
Post a Comment