Tuesday, September 12, 2023

Ang Mabuting Balita para Miyerkules Setyembre 13, San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan (Paggunita): Lucas 6:20-26


Mabuting Balita: Lucas 6:20-26
Noong panahong iyon, tumingin si Jesus sa mga alagad, at kanyang sinabi, "Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!" "Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin!" "Mapalad kayong tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magagalak!" 

"Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo'y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito'y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit-- gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.  

"Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!" "Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom!" "Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!" "Sa aba, ninyo kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta."  

No comments: