Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay
Nicodemo, "Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit -- ang
Anak ng Tao. "At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang
gayon din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang
sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang maparusahan ang
sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
No comments:
Post a Comment