Tuesday, September 19, 2023

Ang Mabuting Balita Miyerkules Setyembre 20, San Andres Kim Taegon, pari, San Pablo Chong Hasang at mga Kasama, mga martir (Paggunita): Lucas 7:31-35


Mabuting Balita: Lucas 7:31-35
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

No comments: