Tuesday, September 26, 2023

Ang Mabuting Balita Huwebes Setyembre 28, San Lorenzo Ruiz at mga kasama, mga martir (Paggunita): Lucas 9:7-9


Mabuting Balita: Lucas 9:7-9
Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetrarka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Jesus. 

Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagsasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. 

Kaya't ang sabi ni Herodes, "Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitaang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya." At pinagsikapan niyang makita si Jesus. 


No comments: