Tuesday, July 4, 2023

Ang Mabuting Balita Hulyo 8, Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 9:14-17


Mabuting Balita: Mateo 9:14-17
Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno, gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?” Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno. 

“Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa isang lumang kasuutan; sapagkat mababatak nito ang tinagpian, at lalong lalaki ang punit. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip ay isinisilid ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at sa gayo’y kapwa nagtatagal.”

No comments: