Monday, July 3, 2023

Ang Mabuting Balita Hulyo 4, Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 8:23-27


Mabuting Balita: Mateo 8:23-27
Noong panahong iyon, sumakay si Jesus sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad. Bumugso sa lawa ang isang malakas na unos, at halos matabunan ng mga alon ang bangka. ngunit natutulog noon si Jesus. 

Kaya't nilapitan siya ng mga alagad at ginising. "Panginoon, tulungan ninyo kami!" sabi nila. "Lulubog tayo!" At sinabi niya sa kanila, "Ano't kayo'y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!" Bumangon siya, sinaway ang hangin at ang dagat, at tumahimik ang mga ito. Namangha silang lahat at ang sabi, "Anong tao ito? Kahit ang hangin at dagat ay tumatalima sa kanya!"

 

No comments: