Noong
panahong iyon, tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng
kapangyarihang magpapalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may
karamdaman.
Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Jesus.
Ang
labindalawang ito'y sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: "Huwag kayong
pupunta sa lugar ng mga Hentil, o alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay
hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at
ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos."
No comments:
Post a Comment