Sunday, June 25, 2023

Ang Mabuting Balita Hunyo 26, Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 7:1-5


Mabuting Balita: Mateo 7:1-5
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba. Ang panukat ninyo sa iba ay siya ring ipanunukat sa inyo. 

Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang puwing mong gatahilan sa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong gatahilan ang nasa mata mo? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo'y makakikita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."

No comments: