Monday, June 19, 2023

Ang Mabuting Balita Hunyo 23, Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 6:19-23


Mabuting Balita: Mateo 6:19-23
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Huwag kayong mag-impok ng kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang tanga at kalawang, at may nakapapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ang mga kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakapapasok na magnanakaw. 

Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso." "Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya't kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang iyong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya't kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!"

No comments: